Wednesday, October 6, 2010

Poetry

“PANGARAP”

Sa tuwi-tuwina’y, “aking natatanaw.”
Mapang – akit na karagatan, “Na puno nang misteryo at kababaglahan,”
Makulimlim na kalangitan, “at malungkot na kapaligiran.”
Kulay asul na aming dinadaanan, ay may isdang nagtatalunan, ”at kay gandang pag-masdan.”

Animo’y mapang-akit, na malawak na karagatan, “ngunit mabangis pala kung magalit,” lalo na sa taong malupit at mabagsik.”
Hampas nang malakas na alon, at nakakabinging malakas na hangin,” ay aking haharapin.”
Datapwa’t may kaba sa dibdib,”hiram kong buhay sakaling bawiin,” na Diyos ang lumikha, ay s’ya ang bahala.”
Gumuguhit sa aking isipan, “ si Rhea, VJ, Micca Vae, Van at mahal kong asawa,” kamusta na kaya sila.”

Kung di lamang sa kahirapan nang buhay, sa lupang hinirang,” di ko sana sila nilisan.”
Sa bawat baling nang aking paningin, “lungkot at pag-aalala, “ang s’yang aking nadarama,” hanggang matapos ang aking guward’ya.”
Sa loob nang kabina, “litrato nila ang aking kasama.”
Minsa’y may luha sa aking mga mata, “kapag sila’y naaalala.”

May kasamang pangarap, “sa bawat titig sa kanila, “at may kasamang kasiyahang nadarama.”
Mga araw sa kalendaryo, “ay madalas ko ring titigan, “binibilang ang mga araw na nag-daan.”
Kaunting panahon pa’y, “muli kong kapiling si Rhea, VJ, Micca Vae, Van at mahal kong asawa.”
At di mag-lalaon, “mga pangarap ko’y matutupad rin, “lupang hinirang ay din na lilisanin.”
Dahil sa pagsisikap, “parusa’t kalungkutan at matatakasan.”

Pag-daong sa puwerto, “mga liham ang hawak ko, “sabik basahin mga sulat galling sa mahal ko.”
May ngiti sa labi, “sa balitang Masaya, “at lungkot sa pisngi nang balitant kay pait..”
Mga ngiti sa labi, “ngunit kalungkutan ang kinukubli.”
Upang mapaglabanan , “mga pagsubok nang tadhanang kay lupit.”

Kaya ko pang harapin, “mga parusang ginagawad sa akin,”
Sa mga nalalabi ko pang mga araw, “may unos mang darating,” ay aking kakayanin.”
Kaya’t aking dalangin, “sa Diyos na mahabagin, na patuloy akong ibigin.”
Alang-alang sa mahal kong pamilya, “na sabik ko nang makapiling.”
At din na mawalay pa, “sa aking mga panalangin.”


Composed by:

Capt. Valentino N. Belongilot
M/V Hedda (Norway)
04 June 1998
1000 HRS at Sea

Monsoon Maritime Services, Ltd.

The author dedicates his work to his beloved wife Beng, his four children and to all the women whose men are working in the lonely sea!

1 comment:

  1. Hi! This is Iyah. I like your poem Papa. Don't have to worry, everything will be okay. we'll be seeing each other soon. This one is very inspiring.

    ReplyDelete